Sabay nabalo at nawalan ng trabaho si Pedrosino Catubig. Nang makakuha siya ng trabaho bilang driver, walang pahinga si Pedring para maibigay ang lahat ng kailangan ng dalawang nagdadalagang anak na naiwan sa kanya. Ngayon ang kanyang panganay, kumukuha na ng abogasya at nasa pribadong eskwelahan ang bunso. Ang kahanga-hangang kwento ng ulirang ama, pakinggan ngayon sa Share Ko Lang!